Dapit Hapon
09.16.09
0916200908480857
Diwa ko ay ulap,
sa himpapawid – lumutang.
Init ng hangin ay nasagap,
taglay ng malungkot na parang.
Bumuhos ang patak ng pighati,
wari ko’y pilit tinakpan.
Ang nagalab na kahapong pag-ibig,
sadyang tinalikuran.
Ang himig ng hangin,
ay iyong pangalan.
Isang sawi na nagdirimdim,
pag-asang lumisan.
Ang puso mong parang apoy,
ay hindi mahawakan.
Napaso ang damdamin – at ako’y,
sawing umaga na lumisan.
GD Star Rating
loading...
comments feed •
trackback • leave a response •
loading...













Ay, sad ka ngayon doctor slash poet? Broken hearted?
hmm, bakit kaya lagi nating naa-ssociate ang kalungkutan sa dapit hapon? Doc Z! anong meron? malungkot ka?
“Ang puso mong parang apoy,
ay hindi mahawakan.”
*Bow*
May mga multo ng nakaraan na nahuhuli ng prosa. Karaniwan diyan malungkot pero marami ring masasayang sandali. Maaari ring maiugnay sa kasalukuyang kondisyon. Pero mahirap un – mahirap hulihin ang damdaming nakabalandra sa ating paningin. Kelangan natin ng konting distansya. Panahon. At paglilimi.
Mahalaga ba na tukuyin ang time line ng isang sentimiyento? Palagay ko hindi. Tingin ko lang mas mahalaga ang authentic na paglalahad.
Isang authentic na paglalahad ang tulang ito. Congrats, Doc Z. Very impressive. Teka, was it you? Wala lang, English kasi. This is a pleasant surprise!
Isang paghahalo ng lungkot at tuwa,
Ang di maipaliwanag na nararamdaman ko t’wina,
Malungkot dahil sa konteksto ng iyong sinulat na tula,
Ngunit maligaya naman sa makabayang pagnanasa.
Di yata’t ang damdamin mong nuo’y puno ng silakbo,
Tila ngayo’y isang hinuna ng nakaraan at puno ng panibugho,
Ano nga bang nangyari sa’yo, o aking katoto,
Bakit ang pagsulat ng tula ay ganito?
Pasasaan pa’t darating din ang araw,
Malungkot na damdamin ay mapaparam,
Huwag ka ng mag-alala, o aking kaibigan,
Ilibre mo na lang ako ng kape, at problema’y pag-usapan.
Hehehe… Starbucks ha…!
Naku, ano nangyari Doc? Muka yatang ang iyong puso ay nagdaramdam sa kabiguan sa pag-ibig.
Wag mag-alala, ang bawat dapit hapon ay may kasunod na umaga.
hA?? Bakit biglang may balagtasan dito? Puede ka rin palang tagalog Doc Z. Dapat may dalawa kang categoriya – English at Tagalog.
Pati si Jan at Yatot ay napatula mo…he he he…Starbucks? Akala ko, Spencers….he he he..
@Madz,
Ito ang snasabi ko syo…
Z
@Badong,
Humuhugot lang ng inspiration mula sa mga nakaraang karanasan.
Wag kang magalala pare, I’m okay.
Z
@Jan,
Salamat sa prosa na ginawa mo. Impressive!
Yup! Trtying to live up to my name. Filipino poet that doesn’t have a Filipino poem. he he he. So, here is another one. I better ask my tech support/bestbud how to do that. I need the Lyle Magic here.
Z
@Yatot!!!!
Salamat sa tula na iyong inilahad,
subalit ang damdamin ay pawang di tapat.
Hinukay ang baul upang muling bigkasin,
kahapong puno ng apoy ay napawi na din.
Kaya ang pagninilay nilay ay di na kailangan,
huwag nang magalala, aking kaibigan.
Isang basong kape ay atin nang pagsaluhan,
ngunit di problema ang ating paguusapan.
Ang mga bahay natin sa internet ating pagsisikapin,
na maiangat ng antas, bawat tantos ay palalaguin.
Milya milyang tagasubaybay, ating hihikayatin,
upang ang bawat bahay ay palagi nilang bisitahin.
Z
0916200920242030
@Elmot,
Very nice message bro! Totoo yun! May umagang kay ganda. ngeeheheh..
Z
@Jena,
Yup! Nakakatuwa nga si yatot at si Jan.
Spencers tayo ulit? hehehe
Z
Ang lalim, mula sa kaibuturan ng iyong puso, hehehe. Magaling sa Tagalog! Di ko naiintindihan ang ibang salita.
Dumaan na ako sa maraming dapit-hapon…
hayun na nga ba ang sinasabi ko
mga nakaraang lihim at pilit na itinatago
di maiiwasang paminsan-minsan sila’y magmulto
kaya nga lumalabas ang mga damdaming ganito
ngunit marapat lang ito’y iyong isinulat
na’ng hindi maipon sa loob at minsa’y sumambulat
parang kumukulong bulkan na nag-iipon ng lakas
at kapag di na kaya’y sasabog at lalabas
ang dapit hapon ay isa lamang pahina
sa ating aklat na isinulat ng tadhana
kasunod nito’y dilim ngunit ‘yon man ay lilipas din
upang ihatid ang liwanag ng umaga para ating salubungin
@Gem,
Yung iba din nga hirap na ako magrecall kasi mas gamit ko ang common Filipino terms and mostly sa English. Magkahalo na. Dapat nga bumili na din ako ng Filipino dictionary, teka, may site ka bang alam na may free nun?
Z
@Roy,
Napakagandang tula Roy! Isang totoong eksena nga ito. Teka, naubos na ang aking poetic juices, he he he.
Z
Doc Z: I’ve always thought of you as a Filipino poet. Di ko alam na wala ka pa palang tula sa blog mo. Wow. Pero reading you now di halata. Saan mo hinugot yan? Stupid question. Please don’t answer. As if naman you’re an alien life form. lols
Gem: Maraming dapit hapon na ang nagdaan sa iyo? Rhetorical question, Gem. Wala lang, I always associate you with your smiling avatar kasi. Buhay nga naman ano? Maraming nakakubling katotohanan sa kabila ng mga matatamis na ngiti.
Yatot: Mali ka ng niche, my friend. Di kaya mas bagay ka sa creative writing at poetry. Wala lang, ang galing mo kasi.
Roy: Cool retort. I’d answer in English if you don’t mind lest I jump into the stage at bumunghalit na rin ng tula. One little note. May mga bulkang di naman pangahas. Mga mumunting usok lang ang impit na anas… Ahahaha
Dios mio perdegones! lols